Bumuhos ang pasasalamat at paghanga para kay Hidilyn Diaz
Bumaha ng pasasalamat at paghanga sa social media para sa atletang si Hidilyn Diaz.
Ito ay makaraang mapanalunan sa wakas ng Pilipinas ang unang gintong medalya nito sa Olympics.
Nagwagi si Diaz sa weightlifting – women’s 55kg.
Naging emosyonal din ang marami nang patugtugin sa unang pagkakataon ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa Olympics.
Dahil sa kaniyang tagumpay, nakatakdang tumanggap ng mahigit P30 milyon si Diaz.
P10 milyon dito ay mula sa gobyerno sa ilalim ng batas na nilagdaan noon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
P10 milyon mula kay Manny V. Pangilinan, P10 milyon din mula kay Ramon S. Ang.
P3 million mula kay deputy speaker Mikee Romero at P2.5 million mula sa kaniyang hometown sa Zamboanga City.
Tatanggap din si Diaz ng bahay at lupa sa Tagaytay City. (Dona Dominguez-Cargullo)