79 pang Pinoy tinamaan ng COVID-19 sa ibang bansa; 11 pa ang nasawi
Nadagdagan ng 79 pa ang bilang ng mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.
Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) araw Lunes, July 26, sa kabuuan 21,133 na ang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
Sa kabuuan ng nasabing bilang, 12,460 na ang gumaling habang 7,407 pa ang sumasailalim sa gamutan.
Nasa 1,266 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawing Pinoy sa ibang bansa dahil sa COVID-19 makaraang makapagtala ng 11 pang pumanaw. (Dona Dominguez-Cargullo)