123 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 123 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Lunes, July 26, sumampa na sa 35,123 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,283 ang active cases at 33,421 naman ang gumaling.
419 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng isa pang nasawi.
Ang 123 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Eastern Samar (60)
Leyte (41)
Tacloban City (13)
Southern Leyte (6)
Ormoc City (1)
Samar (1)
Northern Samar (1)
Batay sa datos, nasa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar at sa Leyte.
Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)