Ipo dam nagpapakawala na ng tubig, mga residente sa mabababang lugar sa Bulacan inalerto ng PAGASA
Nagpapakawala ng tubig sa Ipo dam bunsod ng patuloy na pagtaas ng water level nito dahil sa pag-ulan na dulot ng Habagat.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA, hanggang alas 4:00 ng hapon Linggo, July 25 ay 101.17 meters ang water level ng Ipo dam.
Inaasahan na patuloy pa itong tataas dahil sa patuloy na pag-ulan.
Inalerto na ng PAGASA ang mga residente na naninirahan sa mabababang lugar sa Angat, Norzagaray, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong at Hagonoy sa Bulacan.