San Roque Cathedral sa Caloocan isinailalim sa lockdown; Pari na nasawi dahil sa heart attack nagpositibo sa COVID-19

San Roque Cathedral sa Caloocan isinailalim sa lockdown; Pari na nasawi dahil sa heart attack nagpositibo sa COVID-19

Isinailalim sa lockdown ang San Roque Cathedral sa Diocese of Kalookan.

Ayon kay Bishop Pablo Virgilio David, isang guest priest na nakatakda sanang mag-misa sa cathedral ang pumanaw dahil sa atake sa puso.

Galing Monumento ay sumakay aniya ng tricycle si Fr. Manuel Jadraque, Jr. ng Mission Society of the Philippines patungo sa simbahan para mag-misa.

Pero nang dumating sa Cathedral ay wala na itong malay sa loob ng tricycle kaya agad isinugod sa Caloocan City Medical Center kung saan idineklara siyang DOA o dead on arrival.

Dahil sa pagkakaroon ng kaso ng Covid-related heart attacks isinailalim si Fr. Manuel sa post-mortem swab testing kung saan nagpositibo ito sa COVID-19.

Ayon kay David, ang pari fully vaccinated ng Sinovac vaccine.

Sinabi ni David na hindi na nila matutukoy kung ang atake sa puso ay bunsod ng pagkakaroon ni Fr. Manuel ng Covid-19.

Hiniling na ng Diocese of Kalookan sa City Government na maisumite ang lab specimen ng pari para sa genome sequencing upang matukoy kung anong variant ang dumapo sa pari.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *