Magnitude 6.6 na lindol tumama sa Batangas; pagyanig naramdaman sa Metro Manila
Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang lalawigan ng Batangas.
Naitala ang epicenter ng pagyanig sa layong 23 kilometers southwest ng bayan ng Calatagan 4:48 ng umaga ng Sabado, July 24.
May lalim na 123 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V:
– Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro
– Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro
– Carmona at DasmariƱas City, Cavite
Intensity IV:
– Quezon City
– Marikina City
– Manila City
– Makati City
– Taguig City
– Valenzuela City
– Pasay City
– Tagaytay City, Cavite
– Batangas City at Talisay City,
Batangas
– San Mateo, Rizal;
Intensity III:
– Pasig City
– San Jose del Monte City, Bulacan;
Dahil sa malakas na pagyanig nagbagsakan ang mga paninda sa isang convenience store sa Calatagan.
Samantala ang naturang pagyanig ay nasundan pa ng magnitude 5.5 na aftershock alas 4:57 ng umaga sa parehong epicenter.
Sa ikalawang pagyanig ay muling naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V:
– Calatagan, Batangas
Intensity IV:
– Balayan, Calaca at Mabini, Batangas
Intensity III:
– Quezon City
– Makati City
– Manila City
– Tagaytay City at Naic, Cavite
– Batangas City, San Pascual at Bauan, Batangas
– Hermosa, Bataan
Intensity II:
– Lipa City, Batangas
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala ayon sa Phivolcs dahil may kalaliman ang pagyanig. (Dona Dominguez-Cargullo)