Davao City, pitong sunod na linggo na may pinakamataas na COVID cases; mas mahigpit na restrictions inihirit ng OCTA Research
Pitong Linggo nang nangunguna ang Davao City sa may pinakamataas na COVID cases sa bansa simula noong buwan ng Hunyo, ayon sa datos ng Department of Health(DoH)
Simula Hunyo 7 hanggang Hulyo 19 ay nakakapagtala ang Davao City ng pinakamataas na naitatalang kaso araw araw kumpara sa iba pang high-risk cities na kinabibilangan ng Cebu, Bacolod, Iloilo, Makati, Cagayan de Oro, Baguio, General Santos, Laoag, Lapu-Lapu, at Butuan.
Sinang-ayunan naman ito ng Octa Reseach Group, sa kanilang monitoring list na may petsang July 13 hanggang July 19 ay nasa 219 ang naitatalang kaso sa Davao, mababa ito sa 226 kaso noong Linggo gayunpaman una pa din ito sa talaan na may pinakamaraming kaso kumpara Quezon City nakapagtala ng 124 cases, Cebu City(124), Manila(104) Bacolod 96 at Iloilo 95.
Nabatid na ang COVID-19-related deaths sa Davao sa nasabing period ay nasa 2.72%, mas mataas ito kumpara sa mas malaking siyudad ng Quezon City na nasa 1.47%.
Pagdating sa utilization ng Intensive Care Unit ay 96% ang Davao habang 97% sa Iloilo iCity.
Ayon kay Octa Research Fellow Ranjit Rye ang 7 Linggo na dire-diretsong mataas ang kaso ng COVID cases ng Davao ay indikasyon na hindi gumagana ang stratehiyang ipinatutupad kaya dapat itong baguhin at maglatag ng bagong polisiya.
Ani Rye hindi nila inirerekomenda ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) bagkus ay General Community Quarantine(GCQ) na mas “upscale” ang restrictions at kanila na umanong ipinauubaya ang desisyon na ito kay Davao City Mayor Sara Duterte upang mabilis na mapababa ang kaso.
Giit ni Rye ang Davao ang epicenter sa Mindanao kaya naman unang dapat na tutukan ang mga kaso sa siyudad lalo at hindi biro na walang pagbaba sa daily cases na naitatala.
Noong June 5 hanggang June 20 ay isinailalim sa MECQ ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases ang Davao City subalit kung titignan ang datos ng DOH ay tumaas pa ang infections sa halip na bumaba kumpara sa Iloilo City at Cebu City na nagkaroon ng biglaang pagbaba sa kanilang kaso nang mailagay sa MECQ.
“ito yung sinasabi natin na baka yung strategy na ginawa ay hindi nagwowork, baka ang gawin ay although GCQ ay with heightened restrictions para once and for all ma-manage na yung situation”dagdga pa ni Rye.
Sa ngayon ay wala pang komento ang Davao City government sa pinakahuling report ng DoH at OCTA Research.