Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 6,800
Nakapagtala ng mahigit 6,800 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, July 23 ay 1,537,097 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 6,845 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,455,137 ang gumaling o katumbas ng 94.7 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 2,330 na gumaling.
50,069 naman ang active cases o katumbas ng 3.6 percent.
Nanatili naman sa 26,891 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.76 percent.(Dona Dominguez-Cargullo)