Metro Manila balik sa GCQ with heightened restrictions
Balik sa mas istriktong general community quarantine ang Metro Manila hanggang sa July 31.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos kumpirmahin ng Department of Health na mayroon nang local transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Roque, inaprubahan ni Pres. Duterte ang rekomendasyon ng IATF na isailalim ang Metro Manila at apat pang probinsya sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions simula ngayong araw, July 23 hanggang July 31, 2021.
Maliban sa Metro Manila, sasailalim din sa GCQ with heightened restrictions ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao de Oro at Davao del Norte. (Dona Dominguez-Cargullo)