Walong senador personal na dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte

Walong senador personal na dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte

Kinumpirma ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pito pang senador ang makakasama niya sa pisikal na pagdalo ng huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa Lunes, July 26.

Kasama ni Sotto sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Christopher “Bong” Go, Imee Marcos, Ramon “Bong” Revilla Jr. at Francis Tolentino para saksihan ang ikaanim na SONA ni Duterte.

Sinabi ni Sotto na bukod sa pagiging fully-vaccinated, lahat ng dadalo sa SONA ay dapat na magpakita ng negative result ng RT-PCR test na ginawa dalawang araw bago ang okasyon.

Samantala, kinumpirma ni Sotto na hindi pa rin obligado ang lahat ng senador na dumalo nang personal sa kanilang sesyon, simula sa Lunes.

Ipinaliwanag ng lider ng Senado na epektibo pa rin ang kanilang resolution na pinapayagan ang hybrid session kung saan maaaring makiisa sa sesyon ang ibang senador via online. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *