P2.3B na halaga ng ukay-ukay nakumpiska sa Valenzuela City
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P2.3 bilion na halaga ng mga ukay-ukay sa Valenzuela City.
BItbit ang Letter of Authority (LOA) na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, nagsagawa ng inspeksyon ang composite team ng BOC sa warehouse sa Valenzuela.
Doon natuklasan ang mga pekeng brands ng Nike, Louis Vuitton at Dior.
May mga nakuha ding sandamakmak na ukay-ukay na ang market value ay aabot sa P2.3 billion.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention sa nasabing mga gamit dahil sa paglabag sa Section 224 in relation to Section 219 ng Republic Act (RA) No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). (Dona Dominguez-Cargullo)