Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Oriental Mindoro
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Luzon dahil sa nararanasang pag-ualn dulot ng Habagat.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ng Biyernes (July 23), red rainfall warning na ang umiiral sa Oriental Mindoro.
Orange warning naman ang itinaas sa Marinduque, Romblon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur at Burias Island.
Samantala, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Sorsogon, Masbate, Ticao Island at Catanduanes. (Dona Dominguez-Cargullo)