DOH nakapagtala na ng local transmission ng Delta variant sa bansa

DOH nakapagtala na ng local transmission ng Delta variant sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang naitalang local transmission ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant sa bansa.

Ayon sa DOH, matapos ang isinagawang phylogenetic analysis ng Philippine Genome Center at case investigation ng DOH Epidemiology Bureau lumitaw na may Clusters ng Delta variant cases na galing sa local cases.

Tiniyak namang DOH na pinaigiting na ang COVID-19 response sa mga lugar na mayroong Delta variant cases.

Tinitiyak ding may sapat na COVID-19-dedicated wards, ICUs, at isolation beds sa buong bansa at naghahanda ng sapat na suplay ng gamot, oxygen tanks, sa mga ospital.

Hinikayat din ng DOH ang mga lokal na pamahalaan na mas bilisan pa ang pagbabakuna lalo na sa mga senior citizens at persons with comorbidities. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *