191 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 191 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Huwebes, July 22, sumampa na sa 34,385 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,364 ang active cases at 32,607 naman ang gumaling.
414 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng isa pang nasawi.
Ang 191 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Northern Samar (52)
Leyte (43)
Tacloban City (30)
Ormoc City (18)
Southern Leyte (17)
Eastern Samar (17)
Samar (12)
Biran (2)
Batay sa datos, nasa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar.
Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, Southern Leyte at Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)