Typhon Fabian napanatili ang lakas; signal number 1 nakataas sa Batanes at Babuyan Islands
Napanatili ng Typhoon Fabian ang lakas nito habang nananatili sa bahagi ng
Huling namataan ang bagyo sa layong 525 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong west southwest.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes at Babuyan Islands.
Ayon sa PAGASA, ang Habagat na pinalalalkas ng bagyong Fabian ang magpapaulan sa Ilocos Region, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, southern Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands.