Sen. Sotto hindi magpapatinag sa makakalaban sa Vice Presidential race
Hindi magpapatinag si Senate President Vicente Sotto III kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ang makakalaban nito para sa posisyon sa ikalawang pangulo sa 2022 national elections.
Ayon kay Sotto, tanging ang track record nito at mga ilalatag na programa ang kanyang sandata sa kandidatura.
Ilalatag aniya nila ni Senador Panfilo Lacson, na tatakbong Pangulo kanilang KKK o Kakayanan, Katapatan, at Katapangan.
Sinabi pa ni Sotto na sa kanilang pagdedesisyon na sumabak sa mas mataas na posisyon ay kaakibat ang kanilang mga programa para sa kinabukasan ng bansa.
Kumpiyansa pa si Sotto sa suporta ng buong Nationalist People’s Coalition at maging ng aksyon demokratiko na matagal na rin nilang kaalyado. (Dang Garcia)