153 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 153 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Miyerkules, July 21, sumampa na sa 34,194 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,458 ang active cases at 32,323 naman ang gumaling.
413 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 107 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (62)
Tacloban City (23)
Northern Samar (19)
Ormoc City (13)
Southern Leyte (13)
Samar (13)
Eastern Samar (6)
Biran (1)
Batay sa datos, nasa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar.
Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, Southern Leyte at Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)