Orange warning nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Patuloy na nakararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan sa Luzon.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 2:00 ng hapon ng Miyerkules (July 21), orange warning ang umiiral sa Metro Manila, Bataan at Cavite.
Yellow warning naman ang nakataas sa San Pedro, Binan, Santa Rosa, Cabuyao at Calamba, Laguna; Batangas, Zambales at Rizal.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, nalalabing bahagi ng Laguna, at Quezon.
Ang pag-ulan ay dulot ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Fabian.