Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ang pagyanig sa layong 401 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani alas 10:18 ng umaga ng Miyerkules, July 21.
May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at aftershocks. (Dona Dominguez-Cargullo)