110 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 110 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes, July 20, sumampa na sa 34,041 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,412 ang active cases at 32,216 naman ang gumaling.
413 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng dagdag na 2 pang nasawi.
Ang 110 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Eastern Samar (30)
Leyte (26)
Ormoc City (23)
Samar (17)
Tacloban City (7)
Southern Leyte (7)
Batay sa datos, nasa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar.
Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, Southern Leyte at Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)