Silago, Southern Leyte niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Southern Leyte.
Naitala ang pagyanig sa layong 12 kilometers southwest ng Silago ala 1:53 ng madaling araw ng Martes, July 20.
May lalim na 3 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity II sa Abuyog, Leyte at
Intensity I sa Palo, Leyte.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (BVT)