Bagyong Fabian mabagal pa ring kumikilos; Signal Number 1 posibleng itaas sa Batanes at Babuyan Islands
Patuloy ang mabagal na pagkilos ng bagyong Fabian na nasa bahagi ng Extreme Northern Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,035 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA walang direktand epekto ang bagyo saanmang panig ng bansa.
Gayunman pinalalakas nito ang Southwest Monsoon o Habagat na nagdudulot ng pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.
Ayon sa PAGASA maaring magtaas ng signal number sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands dahil sa nasabing bagyo. (Dona Dominguez-Cargullo)