VP Leni Robredo inimbitahan para dumalo sa SONA ni Pangulong Duterte
Inimbitahan si Vice President Leni Robredo na pisikal na dumalo sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa sa July 26.
Sinabi ni House of Representatives Secretary General Mark Llandro Mendoza na hinihintay pa nila ang sagot kung tatanggapin ni Robredo ang imbitasyon.
Noong nakaraang taon ay hindi inimbitahan ng Malakanyang si Robredo na maging physically present sa ika-limang SONA ng pangulo.
Dahil sa COVID-19 pandemic, limampung panauhin lamang, na karamihan ay mga miyembro ng pamilya at mga kaalyado, ang inimbitahan sa Batasang Pambansa.
Kagaya rin ng format ang SONA ngayong taon dahil sa pandemic, subalit itinaas sa tatlundaan at limampu ang mga guest.
Kabibilangan ito ng mga mambatas, mga miyembro ng gabinete, dignitaries at iba pang mga panauhin. (Infinite Radio Calbayog)