Baganga, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ang pagyanig sa layong 15 kilometers northeast ng Baganga alas 3:28 ng hapon ng Lunes, July 19.
May lalim na 50 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Baganga, Davao Oriental; Intensity II sa Cateel, Davao Oriental at Intensity I sa Davao City
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.