DOH binigyan na ng operational clearance ang Municipal Crematorium sa Montalban

DOH binigyan na ng operational clearance ang Municipal Crematorium sa Montalban

Napagkalooban na ng operational clearance ng Department of Health (DOH) ang Municipal Crematorium sa bayan ng Montalban sa lalawigan ng Rizal.

Ang operational clearance ay nilagdaan ni DOH-OIC Regional Director Paula Paz Sydiongco.

Nangagahulugan itong maari nang magamit ang crematorium.

Araw ng Lunes, July 19 nang pormal na pasinayaan ang Municipal Crematorium na libreng magagamit ng mga residente ng Montalban.

Pinangunahan ni Montalban Mayor Tom Hernandez ang inagurasyon sa pasilidad.

Dumalo din ang iba pang lokal na opisyal ng pamahalaang bayan.

Ang pagpapatayo ng crematorium ay ipinanukala noon ng dating Municipal Health Office chief ng Montalban na si Dra. Carmela Javier.

Ipinanukala ni Javier ang pagpapatayo ng sariling crematorium sa bayan ng Montalban sa kasagsagan ng madaming kaso ng COVID-19.

Dahil sa masyadong magastos ang magpa-cremate, bilang noon ay MHO chief, ipinanukala ni Javier sa pamahalaang bayan ng Montalban na magpatayo na lamang ng sariling crematorium upang hindi na gagastos ang mga kaanak ng mga masasawi dahil sa COVID-19.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *