Bagyong Fabian lumakas pa, isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyong Fabian lumakas pa, isa nang severe tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong Fabian at ngayon ay nasa severe tropical storm category na.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 1,055 kilometers East, Northeast ng extreme Northern Luzon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.

Bukas ng gabi inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Ayon sa PAGASA, walang direktang epekto ang bagyong Fabian saanmang bahagi ng bansa.

Gayunman, pinalalakas nito ang Habagat na nagpapaulan sa Ilocos region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *