3,000 distressed Filipinos mula UAE napauwi na ng bansa
Umabot na sa 3,000 distressed Filipinos mula United Arab Emirates ang napauwi sa bansa.
Ayon Department of Foreign Affairs (DFA) dumating sa bansa araw ng linggo ang ikapitong special chartered flight galing UAE lulan ang 359 Overseas Filipinos kabilang ang 112 buntis at 12 na persons with disabilities.
Lumapag ang flight sa Davao International Airport.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, ginagawa na ng DFA ang lahat upang matiyak na makauuwi ang mga distress Filipino na nasa UAE.
Sinagot ng pamahalaan ang kanilang return flight ticket, libre din ang kanilang quarantine facility at swab test.
Maliban dito ay tumanggap din sila ng P10,000 reintegration assistance mula sa pamahalaan.