Lake Sebu, South Cotabato niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng South Cotabato.
Naitala ang pagyanig sa layong 9 kilometers northwest ng Lake Sebu alas 11:08 ng umaga ng Linggo, July 18.
May lalim na 409 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.