Deployment ng bakuna mas dapat bilisan kasunod ng pagkakaroon na ng local cases ng Delta variant sa bansa

Deployment ng bakuna mas dapat bilisan kasunod ng pagkakaroon na ng local cases ng Delta variant sa bansa

May paalala si Vice President Leni Robredo sa publiko kasunod ng pagkakaroon na ng lokal na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ani Robredo, para sa mga hindi pa nababakunahan dapat maging doble-ingat habang ang mga nabakunahan naman na ay kailangan pa ding maging maingat dahil maari pa rin silang makahawa o mahawa.

Dapat ani Robredo maging aral ang nangyari sa Indonesia na tumaas ang mga kaso dahil sa Delta variant.

Samantala sinabi ni Robredo na kailangan ding mas bilisan pa ang deployment ng bakuna laban sa COVID-19.

Mas mainam din aniya na makahanap ng mga paraan upang mahikayat ang publiko na magpaturok ng bakuna.

Base kasi aniya sa kanilang karanasan sa vaccine express, mas marami ang nagpapabakuna kapag mayroong ibinibigay na insentibo.

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *