233 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

233 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 233 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Biyernes, July 16, sumampa na sa 33,414 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,561 ang active cases at 31,444 naman ang gumaling.

409 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 233 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (75)
Ormoc City (46)
Tacloban City (31)
Eastern Samar (30)
Southern Leyte (25)
Samar (23)
Northern Samar (1)
Biliran (2)

Batay sa datos, nasa “high” ang average daily attack rate sa Eastern Samar at Leyte.

Habang “medium” naman ang average daily attack rate sa Biliran, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *