Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Ang pagyanig ay naitala sa layong 45 kilometers southeast ng bayan ng Governor Generoso alas 3:10 ng madaling araw ng Biyernes (July 16).
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 28 kilometers.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (Dona Dominguez-Cargullo)