Mahigit 250,000 doses ng Moderna vaccine dumating sa bansa
Nadagdagan ang supply ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa, sa pagdating ng 250,800 doses ng Moderna.
Ang batch na dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ay paghahatian ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
194,400 doses ay binili ng gobyerno habang 56,400 ay inorder ng private companies, sa pangunguna ng ICTSI, sa ilalim ng tripartite agreement.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bahagi ng biniling bakuna ng pamahalaan ay inilaan sa NCR plus 10 at inaasahang ipamamahagi ito sa local government units ngayong araw ng Biyernes.
Sakop nito ang Metro Manila at mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Cagayan de Oro, Baguio, Zamboanga, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga, at Legazpi. (Infinite Radio Calbayog)