Willie Revillame may importanteng iaanunsyo sa Agosto; tatakbo nga bang senador?
May malaki at importanteng sasabihin sa kaniyang mga tagasubaybay sa telebisyon si Willie Revillame sa unang linggo ng Agosto.
Ayon kay Revillame isa itong malaking desisyon sa kaniyang buhay at para na rin sa lahat.
Binanggit din ni Revillame na hindi dapat mag-alala ang publiko dahil hindi siya “magiging kenkoy sa senado”.
“Huwag kayong mag-alala hindi ako kenkoy sa senado, hindi kami magke-kenkoyan. Tutulong kami, gagawa ng batas para sa mga taong nagugutom, hindi po magpapawa doon. Huwag niyo naman nilalait ang mga artista, huwag niyo naman kami nilalait dahil kami malinis ang puso,” ayon kay Revillame.
Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang tumakbong senador ang TV host, dahil nakasisiguro siyang ito ay mananalo. (Infinite Radio Calbayog)