116 percent ng target population nabakunahan na sa lungsod ng San Juan

116 percent ng target population nabakunahan na sa lungsod ng San Juan

Lumagpas na sa isangdaang libong residente ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa lungsod ng San Juan.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, umabot na sa 100,217 na katao ang nakatanggap ng kanilang first dose.

Base aniya sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang San Juan ay mayroong projected population na 123,031.

Samantala ayon kay Zamora, umabot na sa 34,632 ang fully-vaccinated na sa lungsod.

Nangako naman si Zamora na magpapatuloy ang rollout ng bakuna hanggang sa mabakunahan ang lahat ng kwalipikadong residente ng lungsod. (Dona Dominguez-Cargulo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *