10 Japanese nationals na wanted sa malaking telco fraud sa Tokyo ipinatapon palabas ng bansa
Ipinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang 10 Japanese nationals na wanted sa big-time telecommunications fraud sa Tokyo, Japan.
Kinilala ang mga pina-deport na Hapones na sina Mishima Takumi, Tabata Ryota, Kawasaki Ryuto, Irabu Shioki, Onishi Shunsuke, Omata Kenta, Sato Takatoku, Hashizumi Ryushin, Mitani Ren at Oshita Nobuki.
Sila ay sinundo ng mga pulis na Hapones pabalik sa kanilang bansa kung saan escorted sila sa kanilang buong flight.
Ang naturang deportees ay kasama sa 34 Japanese nationals na unang naaresto sa Makati matapos maaktuhan na gumagawa ng voice Phishing at telephone fraud activities.
Ang sampung Hapones ay hindi na makakabalik ng Pilipinas matapos silang isailalim sa blacklist ng Bureau of Immigration.