Milwaukee Bucks wagi sa Game 4 ng NBA finals
Nakatabla sa best-of-seven series ng NBA Finals ang Milwaukee Bucks.
Tinalo ng Bucks sa Game 4 ang Phoenix Suns sa score na 109-103 dahilan para maitala nito ang 2-2 sa serye.
Naging dikitan ang laban ng dalawang koponan hanggang sa fourth quarter.
Pinangunahan ni Khris Middleton ang koponan makaraang magtala ng 40 puntos.
Ito na ang kaniyang payoffs career-high points.
Nag-ambag naman ng 26 na puntos si Giannis Antetokounmpo, habang 14 na puntos si Brook Lopez.
Sa Linggo ng umaga, oras sa Pilipinas ang Game 5 ng laban. (BVD)