Deployment ban sa Israel binawi na ng DOLE
Binawi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ipinatupad na ban sa pagpapadala ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel.
Kasunod ito ng paghupa na ng sitwasyon at kaguluhan sa pagitan ng Israel at Palestinian militant groups.
Sa nilagdaang memorandum ni Labor Sec. Silvestre Bello III inabisuhan nito si Labor Attache Rodolfo Gabasan ng POLO Israel kaugnay sa pagbawi ng deployment ban.
Dahil sa nasabing kautusan maari na muling makaalis ang mga OFW patungong Israel. (Dona Dominguez-Cargullo)