105 na mga barangay sa Caloocan City COVID free na

105 na mga barangay sa Caloocan City COVID free na

Mayroong 105 na mga barangay sa lungsod ng Caloocan ang naitalang COVID-free na, base sa huling datos na inilabas ng City Health Department.

Ito ay nangangahulugan na 55.85% na ng kabuuang bilang ng mga barangay sa lungsod ang walang aktibong kaso ng sakit o 83 mga barangay na lamang ang kasalukuyang may aktibong mga kaso.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, mula sa 2,000 active cases noong Marso, sa ngayon ay mayroon na lamang 342 active cases sa lungsod.

Samantala, tinatayang nasa mahigit 37,304 ang kabuuang bilang ng mga recoveries o mga tuluyan nang gumaling mula sa sakit.

Nagpapasalamat si Malapitan sa patuloy na pakikiisa ng mga mamamayan sa lungsod, higit na sa mga health worker na nasa unahan ng laban kontra COVID-19.

Kasabay nito, nagbabala si Malapitan hinggil sa Delta variant at patuloy na hinihikayat ang mga mamamayan na mag-ingat sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *