Heightened alert itinaas ng PNP sa Northern Samar dahil sa serye ng pag-atake ng NPA

Heightened alert itinaas ng PNP sa Northern Samar dahil sa serye ng pag-atake ng NPA

Kinondena ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ang pinakabagong pag-atake ng ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA) sa Northern Samar noong nakaraang linggo.

Kaugnay nito inatasan ni Eleazar ang lahat ng police units sa Northern Samar na itaas ang status sa heightened alert para maiwasan ang pagsasagawa ng pag-atake ng NPA.

Ani Eleazar kabilang ang mga inosenteng sibilyan ang tinatarget ng CPP/NPA sa kanilang mga pag-atake.

Magugunitang sa magkahiwalay na insidente ay nasawi ang isang sundalo at kapitan ng barangay sa Northern Samar.

Sa munisipalidad ng Las Navas Municipality nasawi si Private First Class John Vincent Bocaboc nang maka-engkwentro ng kanilang grupo ang nasa sampung miyembro ng sa Barangay Victory noong Biyernes.

Habang noong Sabado naman, binaril ng mga rebelde si Barangay San Andres chairman Crispin Nali Mordido.

Ani Eleazar nagpapatuloy ang hot pursuit operations ng PNP at militar para mahuli ang mga salarin.

Noong July 7, tatlo ang nasawi at 4 ang nasugatan nang pasabugan ng landmine ng NPA ang tropa ng militar sa Jipapad, Eastern Samar. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *