Kadingilan, Bukidnon niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Bukidnon.
Naitala ang pagyanig sa layong 11 kilometers northwest ng Kadingilan alas 2:04 ng hapon ng Lunes, July 12.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Kadingilan at Don Carlos, Bukidnon; Wao, Lanao Del Sur at Intensity II sa Damulog, Dangcagan, Kibawe, Kalilangan, Maramag, at Pangantucan, Bukidnon.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks. (Dona Dominguez-Cargullo)