Bucks wagi kontra Suns sa Game 3 ng NBA Finals
Nagwagi ang Milwaukee Bucks kontra Phoenix Suns sa Game 3 ng NBA Finals.
Sa score na 120-100 naitala ng Milwaukee ang unang panalo sa best-of-seven series.
Pinangunahan ni two-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo ang koponan matapos magtala ng 41 puntos, 13 rebounds at 6 assists.
Ito ang unang panalo ng Bucks sa best-of-seven series habang dalawa na ang panalo ng Suns. (Dona Dominguez-Cargullo)