100 percent ng target population ng Pamahalaang lungsod ng San Juan nabakunahan na kontra COVID-19
Nakamamit na ng San Juan City local government ang 100 percent target population nito sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nabakunahan na nila ang 70 percent ng kanilang populasyon.
Sinabi ni Zamora na hanggang noong Linggo, July 11 ay umabot na sa 96,610 ang nabakunahan sa lungsod.
Ayon kay Zamora, sa pagtatapos ng buwan ng Agosto ay makakamit na nila ang herd immunity.
Sa kaniyang pahayag, inalala din ni Zamora na sa lungsod ng San Juan unang naitala ang unang kaso ng local transmission ng COVID-19.
Ang unang local transmission ng sakit sa bansa ay naitala sa Muslim prayer hall sa Greenhills sa San Juan na nagresulta noon sa pagpapasara ng prayer hall at ng Greenhills.
Samantala sinabi din ni Zamora na sa sandaling mabakunahan na ang lahat ng residente lungsod na kwalipikado para sa bakuna ay tutulong sila sa pagbabakuna ng iba pang lungsod at bayan sa bansa. (Dona Dominguez-Cargullo)