Second dose vaccination ng Sinovac sinuspinde ng Taguig LGU

Second dose vaccination ng Sinovac sinuspinde ng Taguig LGU

Sinuspinde muna ang pagtuturok ng second dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Taguig City.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, sinuspinde ng Taguig City Vaccination Task Force pag-administer ng Sinovac second doses dahil wala pang bakuna na available.

Tiniyak naman aniya ng Department of Health na ang interval para sa COVID-19 vaccines ay 3 hanggang 6 na buwan matapos maiturok ang unang dose.

Sinabi ni Cayetano na batay sa abiso ng National Task Force Against COVID-19 ang mga bagong doses ng Sinovac vaccines ay darating sa bansa sa susunod na dalawang linggo.

Agad aniyang ipaprayoridad ang administration ng bakuna sa sandaling dumating ang mga bagong suplay.

Sa susunod na mga araw, sesentro muna ang Taguig sa pagbabakuna ng first dose ng AstraZeneca.

Tuloy aniya ang target ng LGU na makapagturok ng 55,000 jabs kada linggo para mabakunahan ang 70 percent ng eligible population hanggang sa katapusan ng Nobyembre. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *