Buhay na leopard gecko nakumpiska ng Customs sa kargamento galing ng Thailand
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs- NAIA (BOC-NAIA) ang isang kargamento galing Thailand na naglalaman ng buhay leopard gecko.
Dumating ang parcel sa Paircargo warehouse nang walang karampatang import permit mula sa Department of Environment and Natural and Resources (DENR).
Sa isinagawang examination natuklasan na naglalaman ng buhay na Leopard Gecko ang kargamento na ang halaga ay P20,000.
Ayon sa DENR, ang gecko ay regulated sa ilalim ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna (CITES) at protected sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9147 o Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang paglabag sa RA 9147 ay may karampatang parusa na apat na taong pagkakakulong at multa na aabot sa P300,000.
Isasailalim sa seizure and forfeiture proceedings ang nakumpiskang leopard gecko sa ilalim ng Section 1113 in relation to Section 117 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) and Section 11 of RA 9147. (Dona Dominguez-Cargullo)