348 na OFWs mula UAE nakauwi na sa bansa

348 na OFWs mula UAE nakauwi na sa bansa

Aabot sa 348 na overseas Filipino workers (OFWs) galing Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates (UAE) ang nakauwi na sa bansa.

Bahagi sila ng ikaapat na batch ng mga OFW na sumailalim sa repatriation mula nang magdeklara ang IATF ng travel restrictions sa pitong mga bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sa ulat ng Overseas Workers Welfare Administration at ng Philippine Overseas Labor Office sa Dubai kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang mga OFW ay umalis sa UAE noong Sabado July 10 at dumating sa Pilipinas araw ng Linggo sakay ng flight PR 8659 ng Philippine Airlines.

Ayon kaky Bello, ang OWWA ang sumagot ng gastusin para sa flight.

Isinagawa ang repatriation sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Dubai sa layong mapauwi ang 2,000 OFWs at kanilang pamilya na na-stranded.

Mayroon pang apat na DOLE-OWWA repatriation flights na nakatakda bukas July 12, sa July 17, July 27 at July 30. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *