Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga edad 17 pababa hindi pa pinapayagan ng pamahalaan
Nilinaw ng National Task Force Against COVID-19 at ng Department of Health (DOH) na hindi pa pinapayagan ang pagbabakuna sa mga batang edad 17 pababa.
Paglilinaw ito ng National COVID-19 Operations Center (NVOC) sa inilabas na NVOC Advisory Number 65 na mayroong titulong “Guidance on Pediatric/Adolescent Vaccination”.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng NVOC, hindi pa pinapayagan na mabakunahan laban sa COVID-19 ang mga edad 17 pababa.
Sa ngayon ayon kay Cabotaje, tanging ang mga 18 anyos pataas na nasa ilalim ng A1, A2, A3, A4 at A5 ang prayoridad ng National Vaccine Deployment at Vaccination Plan ng pamahalaan.