Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 101,030 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 103,652 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Linggo, July 11.
Samantala, nasa 1,427 o katumbas ng 1.4 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
101,030 o 97.5 percent naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
Habang 1,195 o 1.1 percent ang nasawi.