Malaking bahagi ng AstraZeneca vaccines na dumating sa bansa noong Biyernes ilalaan para sa second dose
Malaking bahagi ng mahigit 2 milyong doses ng AstraZeneca vaccines na dumating sa bansa noong Biyernes ay ilalaan para sa second dose.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 1.5 million doses ay para sa second dose ng mga tumanggap ng unang dose ngAstraZeneca vaccine noong buwan ng Mayoa t Hunyo.
Ang 500,000 doses naman ay ipamamahagi sa mga rehiyon na mayroong mataas na populasyon ng priority groups A2 at A3/
Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr, National Task Force against COVID 19 chief implementer at vaccine czar hanggang noong July 8, umabot na sa 861,560 ng 8,274,916 senior citizens sa bansa ang fully vaccinated na. Habang 2,632,861 naman ang tumanggap na ng first dose. (Dona Dominguez-Cargullo)