IATF pinayagan ang pagdaraos ng Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night
Pinayagan ng Inter Agency Task Force ang pagdaraos ng coronation night para sa Binibining Pilipinas 2021.
Ang Binibining Pilipinas coronation night ay isasagawa sa July 11 sa Smart Araneta Coliseum.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, lahat ngkandidata at guests sa pageant ay kailangang sumailalim sa COVID-19 RT-PCR Test, 48 oras bago ang event.
Mapapanood ang coronation night sa Youtube Channel ng Binibining Pilipinas at sa A2Z Channel 11.