Bahay Kanlungan para sa mga inabandona at inabusong senior citizens binuksan sa Valenzuela City
Nagbukas ng ikatong halfway house sa Valenzuela City kasabay ng paggunita sa ika-152 Kaarawan ni Dr. Pio Valenzuela.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, binuksan ang Bahay Kanlungan araw ng Biyernes (Julyk 9) na para sa mga inabandona at inabusong senior citizens.
Ang Bahay Kanlungan ay dinisenyuhan upang maging parang makalumang bahay.
Kumpleto ang pasilidad na mayroong medical amenities at mga staff gaya ng nutritionist, therapist, social workers at house parents para magbantay kina Lolo at Lola.
Ito na ang ikatlong pasilidad sa lungsod para sa vulnerable sectors.
Unang binuksan ang Bahay Pagasa para sa mga bata na in conflict with the law at ang Bahay Kalinga para sa mga neglected at abused children. (Dona Dominguez-Cargullo)